^

PM Sports

‘Bata’ wagi sa 8-Ball Classic

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — May mahika pa rin si Efren ‘”Bata” Reyes.

Winalis ng dating World 9-Ball champion ang lahat ng kanyang asignatura para masungkit ang korona ng 3rd Annual 8-Ball Classic sa The Break Room sa Duluth, Minnesota.

Kabilang sa mga pi­na­­bagsak ni Reyes ay si American cue master Dennis Hatch sa cham­pionship round kung saan naitala niya ang 15-13 desisyon para maibulsa ang $8,000 premyo.

Nagkasya lamang sa $6,000 konsolasyon si Hatch.

Nagpalitan ng racks ang dalawang matikas na players ngunit nagsimulang lumayo si Reyes matapos kunin ang 9-4 ben­tahe.

Nagawang makalapit ni Hatch nang idikit ang iskor sa 11-9.

Gamit ang malulupit na breaks at suwabeng ball placement, muling uma­bante si Reyes hawak ang 14-9 abante.

Hindi nawalan ng pag-asa si Hatch nang kub­­rahin ang apat na su­munod na racks para muling lumapit sa 13-14.

Subalit isang dry break sa 28th rack ang tu­mapos sa pag-asa ni Hatch.

Tinalo ni Reyes sina Danny Olson 1st round (15-7), Vince Chambers sa 2nd round (15-13) at Alex Pa­gulayan sa quar­ter­finals (15-11).

vuukle comment

EFREN REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with