^

PM Sports

Sure na ang Petron

Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilampaso ng Petron Blaze ang Foton Tornadoes, 25-12, 25-10, 25-23, kahapon upang masungkit ang unang semifinal berth ng Belo-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa FilOil Flying V Arena ng San Juan City.

Sa umpisa ng laro pa lamang, humataw na ang beteranong so Aiza Maizo-Pontillas habang si Mina Aganon naman ang nagpakita ng husay sa huling minutos para makamit ng Lady Blaze Spikers ang ika-apat sunod panalo at manatili sa liderato ng standing sa 4-0 win-loss kartada.

 Umiskor si Maizo-Pontillas ng 11 puntos kabilang na ang 10 atake habang si Aganon ay nag-ambag ng walong puntos, ang huli ay isang booming kill sa ikatlong set ng laro na sinusuportahan ng Senoh, Mikasa, Asics, Mueller at  TV5 bilang opisyal na broadcast partner.

Sa kanilang panalo nakasiguro na ng semis seat ang Petron kasama sa dalawa pang ibang qualifiers at ang visiting team mula sa Japan simula sa Marso 30.

“We were expecting that the game will be close,” sabi ni Petron coach Shaq Delos Santos na nakabawi na rin sa kanilang talo sa Foton sa Finals ng nakaraang PSL Grand Prix.

“Good thing the girls followed the game plan and we made it to the semifinals. We’re preparing for it. I hope everybody will step up.” (FCagape)

vuukle comment

PETRON BLAZE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with