^

PM Sports

Danny S. ‘di pa handang magretiro

Pang-masa

MANILA, Philippines - Mapapanood pa rin si Danny Seigle, isa na lamang sa dalawang natitirang active PBA players mula noong 1990s, sa liga matapos tanggapin kahapon ang one-conference contract extension deal.

Nagbigay ang da-ting Wagner U stalwart ng quality minutes sa pagharap ng Tropang Texters sa nagkampeong San Miguel Beermen sa kanilang PBA Philippine semifinal series.

Naglista si Seigle ng 4 points, 2 blocks at 1 rebound sa kanyang pagharap kay June Mar Fajardo sa 98-92 panalo ng TNT Katropa sa Game Three.

“We value the performance he showed in the (Philippine Cup) semifinals against San Miguel Beer, and he’s excited with the job of mentoring his young teammates. And so he’ll continue to play,” sabi ni TNT team manager Virgil Villavicencio.

Muling maglalaro si Seigle sa Tropang Texters na pansamantalang iiwanan nina Jason Castro, Troy Rosario, Roger Pogoy at posibleng si Moala Tautuaa para sa kanilang pagtulong sa Gilas Pilipinas sa dara-ting na SEABA Championship sa Mayo.

Ipagdiriwang ni Seigle ang kanyang ika-41 taon sa Hunyo. Maliban kay Seigle, itinanghal na 1999 PBA Rookie of the Year, ang iba pang nasa lampas 40-anyos ay sina Asi Taulava, Jayjay Helterbrand at Mick Pennisi.

Sina Alaska Milk shooter Dondon Hontiveros at Star center Rafi Reavis ay ang dalawa pang PBA veterans na magiging 40-anyos ngayong taon.

Sa inaasahang pagkawala ng kanilang mga major stars sa darating na Commissioner’s Cup ay aasa ang Tropang Texters kay import Denzel Bowles.

“We’ll lean heavi-ly on Denzel Bowles,” sabi ni Villavicencio sa dating PBA Best Import winner habang naglalaro para sa B-Meg (ngayon ay Star).

Inaasahang sasaluhin nina reserves Al Francis Tamsi, Levi Hernandez at Oping Sumalinog ang maiiwang trabaho nina Castro, Rosario at Pogoy. (NBeltran)

 

vuukle comment

DANNY SEIGLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with