Pagnanawon nang-iwan
PILI, Camarines Sur, Philippines - Bihira sa mga siklista ang nang-iiwan sa isang peloton sa huling 30 kilometro ng karera.
Subalit ginawa ito ni Jaybop Pagnanawon ng Bike Xtreme para angkinin ang Stage Five-251-kilometer na sinimulan sa Lucena, Quezon at nagtapos dito sa Camsur Watersports Complex.
“Medyo nakondisyon kasi ako sa lusong at sa rough road at nakaagwat ako tapos nagkatamaran pa sa grupo, kaya tinuluy-tuloy ko na,” sabi ng 28-anyos na si Pagnanawon.
Nagtala ang 28-anyos na si Pagnanawon ng bilis na anim na oras, 58 minuto at 13 segundo para ungu-san sa finish line si Daniel Ven Carino (6:58:13) ng Navy-Standard Insurance at sina Leonel Dimaano (6:58:15) ng RC Cola-NCR, Lord Anthony Del Rosario (6:59:11) ng Kinetix Lab-Army, Elmer Navarro (6:59:13) ng Go for Gold, Stage One winner Ronald Lomotos (6:59:14) ng Navy, Stage Four king Cris Joven (6:59:20) ng Army, Bryant Sepnio (6:59:20) ng Go for Gold, Jemico Brioso (6:59:28) ng Team Ilocos Sur at Lloyd Lucien Reynante (6:59:30) ng Navy.
“Nagsama-sama sa peloton ‘yung mga Top 10 at apat na teams, at ako lang sa team (Bike Xtreme) ko ang naiwan sa likuran,” sabi ng anak ni Rolando Pagnanawon na nagkampeon noong 1986 Tour. “Noong nakawala ako sa last 30 (kilometers) tinuluy-tuloy ko na hanggang sa finish line.”
Hindi naman napasa-ma sa Top 10 si Rudy Roque ng Navy sa 14-stage event na iniha-handog ng LBC katuwang ang MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Victory Liner, Maynilad, Standard Insurance.
Subalit patuloy pa rin niyang isusuot ang Red Jersey dahil sa pananatili sa liderato sa overall individual classification sa kanyang oras na 18:12:48.
- Latest


















