^

PM Sports

Desidido si Vargas

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Abac Cordero - Pang-masa

LAS VEGAS – Nakasabit ang WBO belt sa kanyang kaliwang balikat, tiningnan ni Jessie Vargas si Manny Pacquiao, hinarap ang mga fans na isinisigaw ang kanyang pangalan, itinaas ang mga kamao at umalis.

Hindi nagkamayan sina Vargas at Pacquiao sa kanilang official weigh-in kahapon sa Encore Theater para sa kanilang bakbakan ngayon sa Thomas & Mack Arena.

Bilang challenger ay unang tinawag si Pacquiao para timbangin.

Hinubad niya ang suot na black at gold Anta attire at itinira ang boxers at medyas at tumimbang ng 144.8 pounds.

Hindi umakyat ang timbang ng eight-division champion, nasa kanyang comeback fight matapos magretiro noong Abril, bagama’t naging malakas ang pagkain sa kanilang training camp.

Hindi na ito nakapagtataka dahil dalawang araw na ang nakakalipas ay sinabi ni trainer Freddie Roach na plano nila ni Pacquiao na tumimbang ng 145 pounds.

Nagsumite naman si Vargas, ang kampeon na tumatayong underdog sa laban, ng bigat na 146.5 pounds.

Matapos ang weigh-in ay naghiwalay sina Pacquiao, ngumiti at kumaway sa kanyang mga fans sa loob ng theatre, at Vargas.

“Manny Pacquiao has had a great career and it would mean the world to me to defeat him. Those who have beaten him have become legends. I look forward to becoming a legend myself,” ani Vargas.

Isinigaw ng mga Filipino fans ang “Manny! Manny!” at  “Jessie! Jessie!” naman para sa mga Latinos.

vuukle comment

JESSIE VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with