^

PM Sports

Tigresses babawi ngayon

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hangad ng nangungunang University of Sto. Tomas na makabangon mula sa nakaraang talo sa kanilang paghaharap kontra sa Laoag ngayon sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference na gaganapin sa Philsports Arena sa Pasig City.

Makikipagtuos ang Lady Tigresses laban sa Laoag sa alas-6 ng gabi habang magtatagpo naman ang Philippine Coast Guard at Philippine Air Force sa alas-4 ng hapon.

Ang Air Force naman ay haharap sa Philippine Army sa alas-12:30 ng tanghali sa Spiker’s Turf Reinforced Conference sa parehong venue.

Matapos makuha ang apat na sunod panalo, nakatikim ng unang talo ang UST sa mga kamay ng Bureau of Customs, 25-17, 26-24, 25-15 noong Sabado.

Nanatili pa rin ang España-based team sa solo liderato sa 4-1 kartada at pumapangalawa lamang ang Customs Transformers na mayroong 3-1 card.

Kung mananalo ang UST ngayon, sila pa lang ang unang team na papasok sa semis.

Hindi rin malayo ang hangarin ni UST coach Kungfu Reyes dahil ang Laoag ay galing sa talo sa UP Lady Maroons noong Lunes.

“Naging erratic ang laro namin kontra sa Customs. Hindi maka-set-up ng maayos at ‘yun ang dapat na-ming ayusin sa susunod na laban,” sabi ni Reyes. 

Sasandal pa rin si Reyes kina Alina Bicar, Alex Cabanos, EJ Laure at Chery Rondina kontra kina Grethcel Soltones, Jema Galanza, Aiko Urdas at Wenneth Eulalio.       

Samantala, tinalo ng University of the Philippines Lady Maroons ang Laoag, 25-20, 27-25, 11-25, 25-10 upang masungkit ang kanilang ikalawang panalo sa limang laban noong Lunes na ginanap sa parehong venue.

Dahil sa panalo, nanatiling buhay ang pag-asa ng Lady Maroons para umusad sa semifinal round, ngunit kailangan nilang maipanalo ang hu-ling dalawang laro kontra sa BaliPure at Air Force at magdasal na hindi aabot sa apat na panalo ang Pocari, BaliPure, Air Force at Laoag upang  makatabla at magkaroon ng tsansa sa playoff  para sa huling semis slot.

“Nag-uusap kami bago sa laro. Hindi namin sinasabi na bawal magkamali kasi kung hindi ka rin magkamali hindi ka rin matututo. Pinag-usapan namin ang aming strategy at kung papaano manalo,” sabi ni UP coach Jerry Yee.

vuukle comment

SHAKEY’S V-LEAGUE SEASON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with