^

PM Sports

Pacquiao lumiban sa ensayo

ACordero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinagpaliban ni Manny Pacquiao ang kanyang pag-eensayo sa ikalawang sunod na araw.

Ngunit hindi nag-aalala si chief trainer Freddie Roach sa ipapakita ni Pacquiao sa kanilang upakan ni Timothy Bradley, Jr. sa Abril 9.

Imbes na sumabak sa ma­bigat na pagsasanay ay mas pinili ng 37-anyos na si Pacquiao, nagmula sa una­nimous decision loss kay Floyd Mayweather Jr. noong Mayo 2, na mag­pahinga sa kanyang mansyon sa General Santos City.

Ilang linggo nang nagpapapawis ang 37-anyos na si Pacquiao kasama si Roach para paghandaan ang laban sa 33-anyos na si Bradley.

Apat na rounds ang ibinuhos niya laban kay Ghis­lain Maduma ng Congo noong Martes na ma­aaring napasobra sa ha­ngad niyang mapabilib ang kanyang American trai­ner.

Sinabi ni Filipino trai­ner Buboy Fernandez na wa­lang ipinakitang epek­to si Pacquiao kaugnay sa kanyang right shoulder injury sa kanilang sparring ni Maduma.

Ito ang unang sparring session ni Pacquiao sa nakaraang 10 buwan at tila sumakit ang kanyang katawan.

Namaga ang kanyang ka­nang mata at nagpahi­nga na lamang noong Miyerkules.

Kahapon ay hindi su­mabak si Pacquiao sa kanyang roadwork at gym session at nakatakda sa­nang makipag-spar kay Ma­duma.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with