^

PM Sports

Grizzlies dinomina ang Lakers

Pang-masa

MEMPHIS, Tenn. – Umiskor si Mike Conley ng 19 points, nagdagdag si Jeff Green ng 17 at nasa trangko ang Memphis Grizzlies mula sa simula hanggang matapos ang laro tungo sa 112-96 panalo kontra sa Los Angeles Lakers nitong Linggo sa NBA.

Nagdagdag si Marc Gasol at Zach Randolph ng tig-16 points habang nag-ambag si Courtney Lee ng 13. Kumunekta sina Conley at Gasol ng 7 sa 11 shots at nagmintis lamang si Randolph ng isa sa kanyang walong attempts para sa 56% shooting ng Memphis.

Tumapos si Kobe Bryant, lumaro sa first at third quarters lamang, ng 19 para sa Lakers, 14 sa opening quarter. Humakot si Larry Nance Jr. ng 17 points at 11 rebounds, habang si Jordan Clarkson ay umiskor ng 12 points at tumapos si D’Angelo Russell ng 10.

Sa Oklahoma City, nagtala si Russell Westbrook ng 30 points, 12 assists at 9 rebounds sa paghahabol ng Oklahoma City mula sa 11-point, second-half deficit upang igupo ang Denver, 122-112.

Itinala ni Kevin Durant ang kanyang ikawalong double-double ngayong season sa kanyang 26 points at 10 assists para sa Thunder nanalo ng 10 sa kanilang huling 12 games matapos matalo noong Christmas Day sa sariling balwarte laban sa Chicago Bulls.

Nagtala ang Oklahoma City ng season-best na 57.8 percent mula sa field. Gumamit ang Thunder ng 11-2 run kabilang ang pito sa 21-points ni Enes Kanter upang masiguro ang panalo. Kumamada si Kenneth Faried ng 25 points at 11 points para sa Nuggets, natalo ng lima sa kanilang huling  anim na laro.

Sa Boston, kumunekta si Isaiah Thomas ng key baskets at tumapos ng 21 points, umiskor si Evan Turner ng 19 para sa ikaapat na sunod na panalo ng Boston matapos igupo ang New York, 100-91.

vuukle comment

ANG

ANGELO RUSSELL

CHICAGO BULLS

CHRISTMAS DAY

COURTNEY LEE

ENES KANTER

EVAN TURNER

ISAIAH THOMAS

JEFF GREEN

OKLAHOMA CITY

POINTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with