^

PM Sports

Serena Williams muling babalikan ang Pinoy fans

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kung sinuportahan pa rin si Serena Williams ng mga Pinoy fans kahit nag-laro siya para sa kalaban, ano pa kaya kung lalaro na siya para sa Philippine Mavericks?

“I’m excited,” sabi ng 21-time Grand Slam champion na sabik nang lumaro sa Manila leg ng 2015 International Premier Tennis League sa world-class na MOA Arena.

Dumating dito sa bansa si Williams noong nakaraang taon para sa IPTL at lumaro para sa Singapore Slammers.

“The reception of the crowd is amazing. You’re so nice. Thank you all,” sabi ng 34-gulang na si Williams bago lumabas ng court noong nakaraang taon.

Paglabas pa lamang niya sa court para mag- warm up bilang pagha-handa sa kanyang laban, nagsigawan na agad ang crowd. Sa bawat puntos ni Williams ay nagpapa-lakpakan ang crowd.

Ngayong gabi ay muli niyang makakaharap ang kanyang mga Filipino fans para pangunahan ang Mavericks na sasagupa sa UAE Royals sa alas-7:30 ng gabi matapos ang isa ring kapana-panabik na laban ng Japan Warriors at  Singapore Slammers na magsisimula sa alas-4:00 ng hapon.

Bukod kay Williams, lalaro din si Philippoussis  Fil-American Treat Huey, Milos Raonic, Richard Gasquet, Jarmila Gajdosova, Alja Tomljanovic at Edouard Roger-Vasselin na dumating lahat ka­gabi mula sa Japan.

Ang  Indian Aces na pa­ngungunahan ni  Spa-nish clay-court king Rafael Nadal ay bukas pa sasalang kontra sa UAE Royals.

vuukle comment

ACIRC

ALJA TOMLJANOVIC

EDOUARD ROGER-VASSELIN

FIL-AMERICAN TREAT HUEY

GRAND SLAM

INDIAN ACES

INTERNATIONAL PREMIER TENNIS LEAGUE

JAPAN WARRIORS

JARMILA GAJDOSOVA

MILOS RAONIC

SINGAPORE SLAMMERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with