^

PM Sports

Coast Guard, Navy unahan sa win No. 1

AT - Pang-masa

LARO NGAYON

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m. – Coast Guard vs Navy (V-League)

3 p.m. –  Sta. Elena vs PLDT Home Ultera

(Spikers’ Turf)

5 p.m. –  Cignal vs Air Force (Spikers’ Turf)

 

MANILA, Philippines –  Mag-uunahan ang Coast Guard Lady Dolphins at Navy Lady Sailors sa kanilang unang panalo sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 12 Reinforced Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na ika-12:45 ng tanghali, masisilayan ang tagisan para makapasok sa win-column sa anim na koponang liga na inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Dumapa ang Lady Dolphins sa 10-25, 11-25, 20-25 pagkatalo sa PLDT Ultra Fast Lady Hitters habang ang Lady Sailors ay natalo sa UP Lady Maroons, 25-19, 23-25, 23-25, 23-25.

Single-round robin lamang ang elimination round kaya’t dapat na makuha ng kani-kanilang manlalaro ang tunay na laro at hindi malagay sa ilalim ng team standings.

Ang beteranang si Rossan Fajardo ay makikipagtulungan uli kina Sandra delos Santos, Samantha Dawson at Mary Rosale para sa Coast Guard habang sina Pau Soriano, Hezzymie Acuña at Lilet Mabbayad ang magdadala sa Navy.

Samantala, magtutuos ang Cignal HD Spikers at Air Force Airmen para sa liderato habang agawan sa unang panalo ang mangyayari sa hanay ng PLDT Home Ultera Fast Hitters at Sta. Elena sa Spikers’ Turf Season 1 Reinforced Conference.

Sina Lorenzo Capate Jr., Edward Yba-ez at Edmar Bonono na nagsanib sa 35 puntos sa 25-21, 25-21, 25-19 panalo sa PLDT, ang mga hahataw uli para sa Cignal habang sina Alnakran Abdilla, Reyson Fuentes at Jeff Malabanan ang tatrangko sa Airmen na giniba ang Instituto Estetico Manila Volley Masters, 25-19, 25-27, 25-22, 25-20.

Asahan din ang mainit na pagbangon ng PLDT na siyang kampeon sa Open Conference para ipalasap sa Sta. Elena ang ikalawang sunod na pagkatalo matapos ang 25-21, 21-25, 25-19, 25-18 kabiguan sa Navy Sailors.

vuukle comment

ACIRC

AIR FORCE

AIR FORCE AIRMEN

ALNAKRAN ABDILLA

ANG

CIGNAL

COAST GUARD

ELENA

HOME ULTERA

REINFORCED CONFERENCE

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with