^

PM Sports

Malaya target ang panalo sa Sampaguita Stakes Race

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatangkain ng Malaya na muling pumaimbulog sa mga stakes races na sinasalihan sa pagtakbo nito sa Sampaguita Stakes Race na gagawin sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang premyadong kabayo ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ay isinama sa coupled entry Never Cease sa hangaring mapagwagian ang tampok na karera sa darating na Linggo at paglalabanan sa mahabang 1,800-metro distansya.

Inaasahang si Jonathan Hernandez uli ang didiskarte sa Malaya nasiyang nagkampeon sa isinagawang Philracom Commissioners’ Cup at PCSO Freedom Cup.

Tiyak na naghahanda ang hand­lers ng Malaya para matuhog ng kabayo ang ikapitong panalo sa taon.

Ang iba pang kasali ay ang Cleave Ridge, Love Na Love, Marinx at Skyway at ang magwawagi ay tatanggap ng P900,000.00 premyo mula sa P1,500,000.00 na inilagay ng  Philippine Racing Commission (Philracom).

Ang winning breeder ay mayroong P60,000.00 pabuya.

Inaasahang magbibigay ng magandang laban ang Skyway na pag-aari ni Atty. Narciso Morales.

Naipakita na ng Skyway na siyang nangunguna sa talaan ng kinita na sa unang siyam na buwan, ang galing sa mahabang karera nang pagharian ang PCSO Silver Cup na ginawa sa 2000-metro distansya.

Inaasahang sasakyan uli ni regular na hinete na si Virgilio Camañero Jr., ang Skyway at Malaya ay pinatawan ng magkatulad na 56-kilos handicap weight habang ang Never Cease ang magtataglay ng pinakamabigat na timbang sa mga maglalaban na 57-kilos.

Ang papangalawa ay mayroong P337,500.00 premyo habang P187,500.00 at P75,000.00 ang tatanggapin ng connections ng mga kabayong lalapag sa ikatlo at apat na puwesto. (AT)

vuukle comment

ANG

CLEAVE RIDGE

FREEDOM CUP

INAASAHANG

JONATHAN HERNANDEZ

LOVE NA LOVE

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

NARCISO MORALES

NEVER CEASE

PHILIPPINE RACING COMMISSION

PHILRACOM COMMISSIONERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with