^

PM Sports

Gross sales hindi nabura sa 7th Bagatsing Cup

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinapos sa target sa gross sales ang 7th Mayor Ramon D. Bagatsing Cup Racing Festival na idinaos noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Car­mona, Cavite.

Bagama’t sinahugan ng malalaking premyo ang 13 karerang pinaglabanan ay nagtala lamang ng gross sales ang pakarera ng P40,550,077.00.

Mababa ito ng halos tatlong milyon mula sa record sales noong 2014 na nasa P43.4 milyon para sa 13 races na pinaglabanan.

Hindi man naabot ang target, masaya pa rin ang pamilyang Bagatsing dahil tunay na naging ma­ganda ang karerang pinaglabanan at talagang palaban ang mga kabayong tumakbo.

“Hindi natin na-break ang record last year dahil ma­rami sa atin puro natalo dahil talagang napakahirap ang karerang ginawa ngayon,” sabi ni Ma­ni­la Congressman Amado Bagatsing.

Ang mga dehadong nanalo ay ang Spartan ni Pat Dilema sa race nine, Greatful Heart ni CP Henson sa race 10, Palos ni Jessie Guce sa race 11 at Corragioso ni Jonathan Hernandez  sa race 12.

Kung ang ipinakita ng mga hinete ang pag-u­u­sapan, sina Hernandez, Kevin Abobo at Jomel La­zaro ang mga pinalad na manalo ng dalawang ka­rera.

Si Abobo ang lalabas na winningest jockey sa araw dahil nanalo ang Low Profile sa Challenge of Champions Cup na may P1 milyong premyo at ang Lakan sa Bagatsing Cup Division II na sinahugan ng P500,000.00.

Ang kabuuang prem­yo ni Abobo ay nasa P900,000.00 mula sa da­la­wang pana­lo.

Iginiya ni Hernandez ang Gentle Strength sa Bagatsing Cup Divi­sion 1 para sa mga 3YO Local Open Local  na may P1 million ka­buuang gantimpala at P600,000.00 premyo para sa kampeon.

Nagpasikat ang Class C jockey na si Lazaro sa mga kabayong Fantastic Gee at Shining Gee sa races 8 at 13.

Ginarantiyahan ni Ba­gatsing na mas ma­la­ki ang gagawin sa 8th Ba­gat­sing Cup dahil ise­seleb­ra ang ika-100 ka­arawan ng namayapang da­ting Alkalde ng Maynila.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGATSING CUP DIVI

BAGATSING CUP DIVISION

BAGATSING CUP RACING FESTIVAL

CHALLENGE OF CHAMPIONS CUP

CLASS C

CONGRESSMAN AMADO BAGATSING

FANTASTIC GEE

GENTLE STRENGTH

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with