^

PM Sports

Pacquiao timeout sa practice

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpahinga agad si Manny Pacquiao sa pagte-training at ginugol ang kanyang panahon sa pagha-hanap ng bagong bahay sa Los Angeles.

Isang linggo matapos dumating sa L.A. kung saan puspusan agad ang kanyang training, hindi siya sumipot sa Wild Card Gym noong Sabado.

Kahapon ay may tiningnan siyang mga properties, isa rito ay pang-negosyo at ang isa ay ang posible niyang  maging bagong bahay sa US.

Ibinibenta na ang bahay ni Pacquiao sa Larchmont Park at tumitingin na siya ngayon ng bagong property, mas magarang bahay na sinasabing nagkakahalaga ng $12 million. Ang kanyang bahay sa Forbes Park ay sinasabing nagkakahalaga ng $9 million.

Sumama ang GMA-7 kay Pacquiao sa pag-iikot sa napakalaking bahay na dati raw tinitirahan ni superstar Jennifer Lopez, ang American Idol judge.

Malayong mas malaki ito sa tinitirahan niya nga-yon na may malaki ring swimming pool, may entertainment center at living room na kasya ang 100-tao.

Mahilig tumanggap ng bisita si Pacquiao  sa kanyang bahay kabilang ang kanyang mga kamag-anak, kaibigan pati kaibigan ng mga kaibigan niya at kung sinu-sino pa.

Ang 36-gulang na si Pacquiao  ay inaasahang kikita ng hindi bababa sa $80 million para sa kanyang May 2 fight kontra kay Floyd Mayweather sa MGM Grand in Las Vegas.  Kapag pumasok na lahat ng kinita partikular sa pay-per-view sales, sinasabing aabot sa $100 milyon ang kikitain ni Pacquiao.

Mabibili na niya ang lahat.

Ayon sa ulat ng GMA, magbibigay na si Pacquiao ng formal offer sa tiningnan niyang bahay kahit pa kontra ang kanyang adviser na si Mike Koncz.

Itutuloy ni Pacquiao ang kanyang training nitong Lunes na kasama na si Freddie Roach na nanggaling sa Macau para samahan sa laban ang isa pa niyang alagang si  Zou Shiming.

 

vuukle comment

AMERICAN IDOL

BAHAY

FLOYD MAYWEATHER

FORBES PARK

FREDDIE ROACH

JENNIFER LOPEZ

KANYANG

LARCHMONT PARK

LAS VEGAS

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with