^

PM Sports

Rain or Shine kinastigo ni Guiao

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang beses pinagalitan ni coach Yeng Guiao ang kanyang Rain or Shine players dahil sa pagrerelaks matapos magtayo ng 20-point lead sa second quarter.

Napanatag lamang ang kanyang kalooban matapos iposte ng Elasto Painters ang 103-91 panalo kontra sa Barako Bull para sumosyo sa ikalawang puwesto sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumolekta si balik-import Wayne Chism ng 32 points, kasama rito ang 7-of-13 shooting sa three-point range at 7 rebounds para pamunuan ang Elasto Painters.

“We knew coming into this game we knew that Barako Bull is the best defensive team. We just wanted to draw out (Solomon) Alabi and create some space in the middle,” ani Guiao.

Tumapos ang seven-foot import na si Alabi na may 23 points at 13 rebounds sa panig ng Energy, habang nag-ambag si JC Intal ng 19 markers.

Nakadikit ang Energy sa 69-77 sa 10:19 minuto ng final canto bago nagbida sina Paul Lee at Jeff Chan para muling ilayo ang Elasto Painters sa 93-76 sa 4:46 minuto nito.

Huling naghamon ang Barako Bull sa 87-97 sa 2:15 minuto hanggang isalpak ni Chism ang kanyang pang-pitong tres para sa 99-87 kalamangan ng Rain or Shine sa huling 2:09 minuto.

Samantala, tatargetin ng Kia ang kanilang pangat-long sunod na panalo sa pagsagupa sa Blackwater ngayong alas-5 ng hapon sa The Arena sa San Juan.

Inaasahang muling maglalaro si playing coach Manny Pacquiao para sa Kia bago magtungo sa United States para paghandaan ang kanilang mega showdown ni Floyd Mayweather, Jr. sa Mayo 2 sa Las Vegas, Nevada.

 

RAIN OR SHINE 103 - Chism 32, Lee 16, Quinahan 12, Chan 11, Norwood 7, Cruz 7, Tang 6, Almazan 4, Uyloan 3, Belga 3, Arana 2, Ibanes 0, Teng 0.

BARAKO 91 - Alabi 23, Intal 19, Lanete 14, Marcelo 11, Mercado 9, Lastimosa 6, Garcia 4, Matias 3, Pascual 2, Chua 0, Hubalde 0, Salva 0, Paredes 0, Sorongon 0.

Quarterscores: 30-27, 53-40, 77-62, 103-91

 

 

vuukle comment

ALABI

BARAKO BULL

CHISM

ELASTO PAINTERS

FLOYD MAYWEATHER

INTAL

JEFF CHAN

KIA

LAS VEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with