^

PM Sports

Accel PBA Press Corps Player of the Week

Pang-masa

MANILA, Philippines – Inaani na ni Terrence Romeo ang bunga ng kanyang paghihirap noong offseason na siyang malaking tulong sa Globalport.

Sa edad na 22, ang 5-foot-10 na si Romeo ang namumuno sa Globalport franchise sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup.

Taglay ang panibagong kumpiyansa ngayong conference sa ilalim ni rookie coach Eric Gonzales, pina-ngunahan ni Romeo ang Globalport sa kanilang 2-0 record noong nakaraang linggo sa pagtatala ng mga averages na 24.5 points, 4.5 rebounds at 1.5 assists para bigyang buhay ang kampanya ng Batang Pier.

Ang dating Far Eastern University star ay nagtala ng 25 points para suportahan ang bago nilang import na si Calvin Warner upang ihatid ang Globalport sa runaway 99-81 panalo laban sa Barako Bull.

Makalipas ang apat na araw, nagbida si Romeo sa 108-78 panalo ng  Globalport kontra sa Blackwater Elite.

Ang dalawang panalong ito ang nag-angat sa Globalport sa pakikisalo sa fifth place sa defending champion Purefoods Star sa 4-3 karta.

“Para sa akin, confidence lang talaga saka, si Calvin, sobrang dami na niyang nalaruan. Beterano na siya, and very vocal siya kasi sinasabi niya dito ka malilibre, or sa pick and roll, gamitin mo ako, kasi bantay ko ganito,” sabi ni Romeo na napiling Accel-PBA Press Corps. Player of the Week para sa linggong February 16-22.

Matapos ang mga laro noong Linggo, si Romeo ang lumabas na top local scorer sa kanyang 22.2 points per game average na sinusundan ni two-time PBA scoring champion Gary David ng Meralco na may 19.8 points.

vuukle comment

BARAKO BULL

BATANG PIER

BLACKWATER ELITE

CALVIN WARNER

ERIC GONZALES

FAR EASTERN UNIVERSITY

GARY DAVID

GLOBALPORT

PLAYER OF THE WEEK

PRESS CORPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with