^

PM Sports

2-1 lead asam ng Bullpups

ATan - Pang-masa

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

2 p.m. – NU vs Ateneo (jrs finals)

MANILA, Philippines – Matapos alisin ang bentaheng taglay ng kalaban, pagpupursigihan ng nagdedepensang Natio­nal University Bullpups na makalamang sa Ateneo Blue Eaglets sa ikalawang laro sa 77th UAAP juniors basketball sa The Arena sa San Juan City.

Tinapos ng Bullpups ang 14-game winning streak ng Blue Eaglets mula sa 76-72 panalo noong nakaraang Biyernes para gawing best-of-three ang kanilang championship series.

Ngayong alas-2 ng hapon itinakda ang bakba­kan at aasa ang Bullpups na magpapatuloy ang ma­­gandang ipinakita ng lahat ng sinasandalang mga manlalaro ni head coach Jeff Napa.

“Kung ano ang naipakita namin sa Game One ay dapat higitan namin ito sa Game Two dahil tiyak na babalik ang Ateneo,” wika ni Napa.

Si Mark Dyke ang huhugutang muli ng lakas ng NU matapos magtala ng 20 puntos, 17 rebounds at 3 blocks sa huling laro.

Mas magiging agresibo naman ang Ateneo na hu­hugot ng lakas mula sa kambal na sina Mike at Matt Nieto.

Ang dalawang Nieto ay gumawa ng 25 at 19 puntos, ayon sa pagkakasunod, ngunit kailangan nila na makitaan ng tamang tiyempo dahil naubos sila sa huling yugto na kung saan tuluyang nagdo­mina ang Bullpups.

vuukle comment

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLETS

BLUE EAGLETS

GAME ONE

GAME TWO

JEFF NAPA

LARO NGAYON

MATT NIETO

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with