^

PM Sports

Mayor Abalos, Hagdang Bato pinakamaningning sa 2014

Pang-masa

MANILA, Philippines – Abot-kamay na ni Mandaluyong City Ma­yor Benhur Abalos ang titulo bilang winningest horse owner at posibleng Horse Owner of the Year matapos ang panalong kinuha ng Hagdang Bato sa idinaos na Presidential Gold Cup noong nakaraang Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Apat na milyong piso ang ipinasok ng limang taong kabayo nang pagharian ang 2,000-metro karera para lumawig sa halos P17 milyon ang kikitain sa horse racing sa magtatapos na taon.

Base sa talaan ng kinita ng mga may-ari ng kabayo matapos ang buwan ng Nobyembre ay una na si Abalos bitbit ang P13,281,359.07 premyo.

Noong 2012 kinilala bilang pinakamahusay na horse owner si Abalos nang namayagpag din ang Hagdang Bato matapos kilalanin bilang Triple Crown at Gold Cup champion.

Umani ang mga ipinanlaban ni Abalos ng 50 panalo, 48 segundo, 27 tersero at 17 kuwarto puwesto para agwatan ng halos P1.2 milyon ang pumapangalawang si Patrick Uy.

May nangungunang 92 panalo ang mga kabayo ni Uy bukod sa 52 segundo, 52 tersero at 65 kuwarto puwesto para makalikom na ng P12,061,519.55 premyo.

Tatlong iba pang horse owners ang may mahigit na P10 milyong premyo habang dalawa pa ang inaasahang papasok sa talaan matapos ang buwan ng Disyembre.

Si Aristeo Puyat ang nasa ikatlong puwesto sa P11,458,455.99 mula sa 76-74-85-70 karta pero nakasunod sa kanya ang Santa Clara Stockfarm na may P11,259,120.16 premyo bitbit ang 59-45-55-29 baraha.

Si Atty. Narciso Morales ang nasa ikalimang puwesto at nakapag-uwi na ng P10,746,570.75 gantimpala mula sa 66-57-48-52 karta.

Ang Jade Bros Farm at si Ruben Dimacuha ay inaasahang aabot sa P10 milyon marka sa pagtatapos ng taon dahil kumita na sila ng P9,738,363.68 at P9,724,236.41 ayon sa pagkakasunod.

Si Hermie Esguerra na siyang nanalo ng Horse Owner of the Year noong 2013 tangan ang P12,728,062.08, ay mayroon  pa lamang ng P7,536,633.66 mula sa 50 panalo, 25 segundo, 20 tersero at pitong kuwarto puwestong pagtatapos. (AT)

vuukle comment

ABALOS

ANG JADE BROS FARM

BENHUR ABALOS

GOLD CUP

HAGDANG BATO

HORSE OWNER OF THE YEAR

MANDALUYONG CITY MA

NARCISO MORALES

PATRICK UY

PRESIDENTIAL GOLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with