^

PM Sports

Azkals pasok sa semis

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinapos ng Azkals ang walong dekadang dominasyon ng Indonesia sa kumbinsidong 4-0 panalo sa 2014 AFF Suzuki Cup kagabi sa My Dinh Stadium sa Hanoi, Vietnam.

Kinuha ni Phil Young-husband ang ikalawang goal sa torneo matapos lamang ang unang 16 minuto sa labanan mula sa penalty kick. Nangyari ito dahil sa pagiging agresibo ni Misagh Bahadoran na nakakuha ng foul sa pe-nalty box mula sa Indonesian team captain na si Firman Utina.

Lalong nabaon ang Indonesia sa second half dahil tatlong goals pa ang ginawa ng Azkals na nagmula kina Manuel Ott (52nd), Martin Streuble (68th) at Robert Gier (79th) para sa ikala-wang sunod na panalo at tiket para sa ikatlong sunod na pagpasok sa semifinals sa kompetisyon.

Unang hiniya ng Azkals ang Laos sa 4-1 iskor.

May mga pagkakataon din ang Indonesia para umiskor pero maganda ang inilatag na depensa ng Pilipinas sa pangunguna ni goal keeper Patrick Deyto upang malagay sila sa peligro. (AT)

vuukle comment

AZKALS

FIRMAN UTINA

MANUEL OTT

MARTIN STREUBLE

MISAGH BAHADORAN

MY DINH STADIUM

PATRICK DEYTO

PHIL YOUNG

ROBERT GIER

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with