^

PM Sports

Sloan nanguna sa panalo ng Pacers

Pang-masa

DALLAS – Umiskor si Donald Sloan ng 29 points at pitong Indiana Pacers ang umiskor ng double fi-gure sa 111-100 panalo kontra sa Dallas Mavericks sa NBA nitong Lunes.

Lamang ang Pacers sa kabuuan ng second half at nagtala ng season high sa points para pantayan ang  season high sa field-goal percentage (48.1).

Nakakuha ang Indiana ng double-double mula kay Luis Scola na kumamada ng 14 points at humatak ng 11 rebounds.

Sina Solomon Hill at Rodney Stuckey ay may tig-12 points, sina Chris Copeland at Damjan Rudez ay may tig-11 habang si Ian Mahinmi ay nagdag-dag ng 10 sa unang pagkakataon niyang naging starter dahil wala si center Roy Hibbert na may sprained ankle.

Lumasap ng ikala-wang sunod na talo ang ng Mavericks na pinangunahan ni Monta Ellis sa kanyang 24 points habang si Dirk Nowitzki ay nagdagdag ng 22 points at team-high na 11 rebounds. Si Chandler Parsons ay may 16 at 13 kay Devin Harris.

Sa Toronto, ginamit ng Phoenix Suns ang kanilang outside shooting ngunit nabigo pa ring ta-lunin ang Raptors.

Kinuha ng Toronto ang kanilang pang-limang sunod na panalo matapos gibain ang Suns, 104-100, kung saan umiskor si Jonas Valanciunas ng career-high na 27 points at 11 rebounds.

Nagsalpak ang Phoenix ng pito sa kanilang 10 three-point attempts sa final quarter para makabangon mula sa 17-point deficit upang agawin ang unahan.

vuukle comment

CHRIS COPELAND

DALLAS MAVERICKS

DAMJAN RUDEZ

DEVIN HARRIS

DIRK NOWITZKI

DONALD SLOAN

IAN MAHINMI

INDIANA PACERS

JONAS VALANCIUNAS

LUIS SCOLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with