^

PM Sports

May misyon si Orcollo

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisimulan ngayon ni Dennis Orcollo ang kampanya sa kanyang ikalawang kampeonato sa PartyPoker World Pool Masters sa pagharap kay Chris Melling ng Great Britain sa Portland Centre, Nottingham.

Opisyal na nagbukas ang kompetisyong kinatatampukan ng 16 na mahuhusay na cue artist sa buong mundo noong Biyernes kung saan napasabak na si Alex Pagulayan.

Nine-ball ang tagisan at knockout ang format at ang lalabas na kampeon matapos ang tatlong araw na kompetisyon ay may premyong $20,000.00.

Sa ganap na alauna ng hapon (Nottingham time) gagawin ang laro at ang mananalo kina Orcollo at Melling ang siyang makakalaban ng mananalo sa pagitan nina Karl Boyes ng Great Britain at Waleed Majid ng Qatar sa quarterfinals sa Linggo ng hapon.

Ang iba pang kasali ay sina sina Karol Skowerski ng Poland, Wang Can ng China, Shane Van Boening ng USA, James Georgiadis ng Australia, Mika Immonen ng Finland at Mark Gray ng Great Britain. (AT)

vuukle comment

ALEX PAGULAYAN

CHRIS MELLING

DENNIS ORCOLLO

GREAT BRITAIN

JAMES GEORGIADIS

KARL BOYES

KAROL SKOWERSKI

MARK GRAY

MIKA IMMONEN

NOTTINGHAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with