^

PM Sports

Griffin may kaso sa Las Vegas

Pang-masa

LAS VEGAS  -- Nahaharap ang Los Angeles Clippers star na si Blake Griffin sa misdemeanor battery charge dahil sa kanyang pakikipag-away sa isang lalaki sa Las Vegas Strip nightclub, ayon sa nakuhang court records.

Ang 25-gulang na si Griffin ay nakatakdang basahan ng sakdal sa Dec. 8 sa harap ng Las Vegas justice of the peace sa kasong maaari niyang ikakulong ng anim na buwan kung siya ay mapapatunayang may sala.

Ang asunto ay isinampa noong Biyernes at ipinatawag siya ng korte para magpaliwanag.

Alam na ng Clippers ang tungkol sa kaso, ayon kay team spokesman Seth Burton ngunit wala pa silang  comment tungkol dito. Hindi pa malinaw kung may abogado na si Griffin para asikasuhin ang kanyang kaso.

vuukle comment

ALAM

BIYERNES

BLAKE GRIFFIN

GRIFFIN

LAS

LAS VEGAS

LAS VEGAS STRIP

LOS ANGELES CLIPPERS

NAHAHARAP

SETH BURTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with