^

PM Sports

Valley Ridge pinakitaan ang Cat Express at Jebel Ali

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hiniya ng Valley Ridge ang mga napaborang Cat Express at Jebel Ali para pagharian ang Philtobo 2YO InTraining Sale Graduate Stakes Race noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Fernando Raquel Jr. ang dumiskarte sa dalawang taong filly na agad  sinundan ang malakas na pag-arangkada ng Cat Express ni CV Garganta habang nasa ikatlo at tila naghihintay na umatake ang Jebel Ali ni Jonathan Hernandez.

Bandera ang Cat Express hanggang sa huling 600-metro sa 1,400-metro karera at pagpasok sa rekta ay humarurot na ang nasa labas na second  choice na Valley Ridge.

Mula rito ay hindi na nagpabaya si Raquel para iwan ng dalawang dipa ang Cat Express habang  pumangatlo ang Jebel Ali.

Pumang-apat ang Bangkal Too ni CM Pilapil habang nangulelat ang coupled entry na Tejeros sa pagdadala ni Mark Alvarez.

Ang Air Control na third choice sa karera ay hindi tumimbang dahil nahulog ang hinete nito na si Claro Pare Jr.

Anak ng Quaker Ridge sa Dixie Dash, ang panalo ng Valley Ridge ay nagpasok sa may-ari ng kabayo na si Raymund Puyat ng P1 milyong piso.

Samantala, nakita uli ang magandang kondis-yon ng Hagdang Bato nang manalo sa Special Handicap Race sa 1,400-metro karera.

Si Hernandez uli ang hinete ng kabayo  at walang problema ang ikinarga na 57-kilos handicap weight nang talunin ang stablemate na  El Libertador ng 10 dipang agwat. (AT)

vuukle comment

ANG AIR CONTROL

BANGKAL TOO

CAT EXPRESS

CLARO PARE JR.

DIXIE DASH

EL LIBERTADOR

HAGDANG BATO

JEBEL ALI

JONATHAN HERNANDEZ

VALLEY RIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with