^

PM Sports

Maganda uli ang kondisyon ng kabayong Hook Shot

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakita uli ang magandang kondisyon ng kaba-yong Hook Shot nang do-minahin ang 2YO Condition Winners noong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Jeff Zarate ang sumakay sa dalawang taong filly na hindi naisuko ang liderato mula sa pagbubukas ng karera na pinaglabanan sa 1,200-metro distansya.

Pag-aari ni Joseph Dyhengco at anak ng Hook And Ladder sa Local Rules, agad na nilundag ng kabayo ang unahan sa pagbubukas ng aparato pero dumikit ang Señor Patrick na dala ni Pat Dilema.

Napagod sa kalulutsa ang Señor Patrick pero pumalit ang Dixie Storm at Tubbataha Reefs pagpasok sa rekta.

Ngunit buo pa ang Hook Shot para lumayo na sa rekta tungo sa isa’t  kalahating dipang panalo sa Tubbataha Reefs sa pagdiskarte ni JPA Guce.

Tinapos ng panalo ang magkasunod na segunda puwestong pagtatapos ng Hook Shot para maipakita na palaban ito sa 2nd leg ng Philracom Juvenile Fillies at Colts Stakes.

Kuminang din ang Cat Express sa pagdiskarte ni CV Garganta sa 2YO Mai-den A & B na pinaglabanan sa 1,000-metro distansya.

Isa ring two-year old filly, ang Cat Express na pag-aari ng SC Stockfarm Inc. ay nanguna rin mula sa simula hanggang sa natapos ang karerang nilahukan ng siyam na kalahok.

Kapos ng isang dipa ang Yani Noh Yana ni LT Cuadra Jr.

Lumabas na pinakaliyamado na nanalo ang Cat Express sa balik-taya sa win habang ang 5-6 forecast ay may P11.50 na ipinamahagi.

May P5.50 ang win ng Hook Shot habang ang dehadong Tubbataha Reef ay nagpataas sa 3-2 forecast sa P44.00 dibidendo. (AT)

vuukle comment

CAT EXPRESS

COLTS STAKES

CONDITION WINNERS

CUADRA JR.

DIXIE STORM

HOOK AND LADDER

HOOK SHOT

JOSEPH DYHENGCO

TUBBATAHA REEFS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with