UP shuttlers nakauna sa Ateneo
MANILA, Philippines – Lumapit ang University of the Philippines sa isang perpektong season mula sa 3-2 pagtakas sa nagdedepensang wo-men’s champion Ateneo sa UAAP Season 77 badminton tournament noong Linggo sa Rizal Memorial Badminton Hall.
Tinalo ni Jessie Francisco si Dia Magno, 21-18, 24-22 sa deciding singles na sumelyo sa tagumpay ng Lady Maroons.
Tangan ng Lady Maroons ang ‘thrice-to-beat’ advantage dahil sa kanilang pagwalis sa se-ven-game eliminations.
Naunang kinuha ng Lady Eagles ang laro mula sa panalo ni reigning MVP Bianca Carlos kay Paula Bernardo, 21-11, 21-23, 21-16, sa first singles. Tinalo ni Mary Ann Maranon si Trixie Malibiran, 21-18, 21-16, sa second singles para ibangon ang UP bago nakalamang uli ang Ateneo sa pananaig nina Magno at Carlos, 21-17, 21-13 kina Francisco at Maria Elisha Ongcuangco sa first doubles. Nakatabla ang Lady Maroons sa Lady Eagles nang talunin nina Maranon at Mary Ann Caculitan sina Malibiran at Cass Lim sa second doubles, 21-15, 9-21, 21-14.
- Latest