^

PM Sports

Princess Ella nagwagi sa Fillies/Colts Stakes

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagharian ng nade­ha­dong Princess Ella ang 2014 Philracom 1st leg Juvenile Fillies/Colts Stakes na pinaglabanan noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sa maigsing 1,000 me­trong distansya ng karera na nilahukan ng walong ka­bayo pero pito ang opis­yal na bilang ay nakita ang magandang kondisyon ng dalawang taong filly na anak ng Prize Cat sa Don’t Tell Ella at sinak­yan ni jockey John Alvin Gu­ce nang agad itong su­­mabay sa unahan bago isi­nantabi ang hamon ng Hook Shot.

Ang napaborang Leona Lolita na ginabayan ni Jessie Guce ay naubos sa pagpasok sa rekta at tuma­pos lamang sa ikatlong pu­westo.

Agad na umalagwa ang Leona Lolita pero su­mabay agad ang Princess Ella na tumakbo kasama ang coupled entry Cat Express.

Sa 450-metro ay ki­nuha na ng Princess Ella ang unahan at hu­mahataw na ang Hook Shot sa pagdadala ni Jeff Za­rate.

Nasa balya ang Hook Shot at handang-handa ng umatake pero ginamitan ni Guce ng latigo ang Princess Ella para mailabas ang buong puwersa at manalo ng isang dipa sa meta.

Ang tiyempo ng nanalong kabayo ay 59.2 segundo  sa kuwartos na 13, 21’ at 25 para maibulsa ng SC Stockfarm Inc. ang P600,000.00 mula sa P1 mil­yong premyo.

Ang Hook Shot ay may nakamit namang P225,000.00 gantimpala.

Nakuntento ang connections ng Leona Lolita sa P125,000.00 habang ang Jazz Asia ni Rodeo Fer­nandez ang pumang-apat sa datingan para sa P50,000.00 premyo.

Bago ito ay naunang ku­minang ang Señor Pat­rick sa isinagawang NPJAI – Mr. George Y. Strib­ling Trophy Race.

Halos fifth choice la­mang ang nanalong ka­ba­yo na diniskartehan ni Pat Dilema pero malayo ang kondisyon nito sa na­­paborang Rio Grande ni Jeff Zarate dahil halos anim na dipa ang agwat ni­­to sa meta.

May 1:00.8  (13-22-25’) ang winning time ng kabayong anak ng Keep Laughing at Ginger Can­dy para ibigay kay horse ow­ner Patrick Uy ang P180,000.00 premyo.

Ang win ng Señor Pat­rick ay may P22.00 dibidendo, habang P140.50 ang 5-8 forecast at P20.50 ang ibinigay sa win ng Prin­cess Ella at P78.00 sa 4-1 forecast. (AT)

vuukle comment

ANG HOOK SHOT

CAT EXPRESS

COLTS STAKES

GINGER CAN

HOOK SHOT

LEONA LOLITA

PRINCESS ELLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with