^

PM Sports

PLDT Home Telpad nagpalakas sa semis

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinalakas ng PLDT Home Telpad ang kanilang tsansa sa semifinal round matapos talunin ang National University, 25-13, 25-20, 25-19, sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan.

Kabuuang 66 minuto ang kinailangan ng Power Attackers para dominahin ang Lady Bulldogs at ma-kabangon mula sa naunang kabiguan sa Ateneo Lady Eagles noong Linggo.

Sa ikalawang laro, sinamantala ng Philippine Air Force ang pagkakaroon ng injury ni Rachel Ann Daquis para gibain ang Philippine Army, 20-25, 25-19, 25-19, 25-22.

Ang kabiguan ng Lady Troopers ang nagbigay sa nagdedepensang Cagayan Valley Lady Rising Suns ng liderato.

Umiskor si Joy Cases ng 19 kills at tumapos na may 20 hits para sa pananaig ng Raider, habang nagdagdag si Judy Caballejo ng 18 kasunod ang 14 ni Maika Ortiz.

Sina May Ann Pantino at Jocie Tapic ay may pinagsamang 14 hits para sa Air Force na nangga-ling sa panalo laban sa NU noong Linggo.

Humataw naman si Lou Ann Latigay ng 17 points, habang may 15 si Sue Roces para sa 7-2 record ng PLDT Home Telpad, samantalang nalasap ng NU ang kanilang ikaanim na kabiguan sa siyam na laro.

Nilimitahan ng Turbo Boosters ang Lady Bulldogs sa 13 points sa first set patungo sa pagdomina sa sumunod na dalawang yugto ng laban at palakasin ang kanilang pag-asa sa Final Four ng mid-season conference na itinataguyod ng Shakey’s katuwang ang Mikasa at Accel.

Nanalasa sina Roces at Latigay mula sa mga bigay ni Rubie de Leon habang tumulong naman ang ibang players ng PLDT Home Telpad sa reception at digs.

Humakot ang Turbo Boosters ng kabuuang 42 kills kumpara sa 32 ng Lady Bulldogs.

Umiskor si Jaja Santia-go ng 15 points kasunod ang 12 ni Myla Pablo sa panig ng NU. (RC)

vuukle comment

AIR FORCE

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

FINAL FOUR

HOME TELPAD

JAJA SANTIA

JOCIE TAPIC

JOY CASES

LADY BULLDOGS

TURBO BOOSTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with