^

PM Sports

Furniture King muling kuminang

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kuminang uli ang kabayong Furniture King sa pagdadala ni Jessie Guce nang manalo sa nilahukang karera noong Linggo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Apat na kabayo ang parating sa meta at ang Furniture King na nasa labas ay rumemate sa huling 100-metro para manalo sa Silver Champ sa pagrenda ni JD Juco sa 1,600-metro distansya.

Ang naunang lumamang na Consolidator sa pagdadala ni Kevin Abobo ay naubos dahil sa matin-ding labanan sa Philracom Trophy Race at nakontento lamang sa pang-apat na puwesto.

Sinahugan ang nabanggit na karera ng P250,000.00 at ang nanalong kabayo ay nagbitbit ng P150,000.00 premyo.

Ang pumangalawa ay nagkamit ng P56,260.00 habang ang Money King na umalagwa na sa huling 200-metro bago tumiklop ay may P31,250.00 pabuya.

Nagpasok ang win ng P47.00 habang ang 2-5 forecast ay may ipinamahaging P253.00 dibidendo.

Lahat ng karerang pinaglabanan ay sinahugan ng premyong P250,000.00 para maging palaban ang lahat ng kasali.

Lumabas na pinakaliyamadong nagwagi ay ang Yona na nagdomina sa Hon. Councilor Ferdinand Eusebio Trophy Race na inilagay sa 1,400-metro karera.

Si JB Bacaycay ang dumiskarte sa Yona. Sa huling kurbada ay kumakaripas na ng takbo ang kabayo ni Bacaycay habang humahataw din sa unahan ang Princess Jo sa pagdadala ni Rodeo Fernandez.

Pinakaliyamadong kabayong nanalo ang Yona para sa balik-taya na dibidendo (P5.00) sa win habang umabot sa P24.50 ang 5-4 forecast.

 

vuukle comment

BACAYCAY

COUNCILOR FERDINAND EUSEBIO TROPHY RACE

FURNITURE KING

JESSIE GUCE

KEVIN ABOBO

METRO TURF CLUB

MONEY KING

PHILRACOM TROPHY RACE

PRINCESS JO

YONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with