^

PM Sports

Rudy Gay gagamit ng contract option

Pang-masa

MANILA, Philippines - Gagamitin ni Sacramento Kings forward Rudy Gay ang kanyang $19.3 million contract option para sa 2014-15 season ngunit maghihintay siya ng negosasyon para sa contract extension hanggang sa summer, wika ng league sources ng Yahoo Sports.

Ang muling pagkuha kay Gay ang prayoridad ng Kings. Inaasahang mag-uusap ang team management at ang agent ni Gay na si Alex Saratsis ng Octagon kaugnay dito.

Matapos ang Hulyo 1 ay maaari nang mag-usap ang Kings at si Gay para sa isang full four-year contract extension.

Ikinukunsidera ng Kings si Gay bilang kinabukasan ng kanilang prangkisa at ang pagpapatagal sa proseso ng usapin sa contract extension ang magbibigay sa kanya ng pagkakataon para pag-aralan ng kakayahan ng koponan bago pumirma ng panibagong kontrata.

Kung hindi makukumpleto ni Gay ang isang contract extension sa susunod na taon ay magiging unrestricted free agent siya.

Kinuha ng Sacramento si Gay bilang bahagi ng seven-player deal sangkot ang Toronto noong Pebrero. Ang Kings ay may 28-54 record noong nakaraang season.

 

vuukle comment

ALEX SARATSIS

ANG KINGS

GAGAMITIN

GAY

HULYO

IKINUKUNSIDERA

INAASAHANG

RUDY GAY

SACRAMENTO KINGS

YAHOO SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with