^

PM Sports

Aces binalasa ang Beermen

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sapat na ang isang 13-0 atake sa dulo ng fourth quarter para wakasan ng Aces ang tatlong dikit na pagkamada ng Beermen.

Nagtuwang sina 2013 Best Import Rob Dozier, JVee Casio, Cyrus Baguio at RJ Jazul sa huling tatlong minuto ng laro para sa 89-78 paggiba ng nag­de­depensang Alaska sa San Miguel Beer sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.

Ito ang ikalawang su­nod na arangkada ng Aces ni coach Luigi Trillo pa­ra makasalo sa ikaapat na puwesto ang Meralco Bolts at Air21 Express.

Tumapos si Dozier na may 20 points at 20 rebounds.

Naglista din si Dozier ng perpektong 10-of-10 shooting sa free throw line.

Sa kabila naman ng ka­­biguan ay nanatili ang Beer­men sa pangalawang posisyon.

Ang layup ni guard Sol Mercado para sa kanilang 78-76 abante ang siyang naging huling puntos ng San Miguel.

Nagsanib ng pu­wersa sina Dozier, Casio at Ba­guio para akayin ang Alaska sa 84-78 abante sa huling 2:07 minuto ng fourth quarter.

Nabigo pa ring makapuntos ang Beermen na nagresulta sa apat na sunod na free throws nina Ja­zul at Baguio para sa isang 10-point lead, 88-78, ng Aces sa natitirang 30.8 segundo.

Samantala, itatampok ng Rain or Shine ang bagong import na si Wayne Chism bilang ka­pa­lit ni Alex McLean.

Makakaliskisan ang 6-foot-8 na si Chism sa ka­­nilang pagharap sa mi­namalas na Glo­balport bu­kas sa Big Dome.

Bukod kay Chism, isang bagong reinforcement din ang ipaparada ng Meralco sa pagharap sa Barangay Ginebra sa Mi­­yerkules.

Ipinalit ng Bolts si Dar­nell Jackson kay 6’10 Brian Butch.

Noong nakaraang ling­go pa dumating sa ban­sa si Jackson para palitan si Butch.

Nanggaling ang Me­ralco sa kabiguan at iiwas na malasap ang kanilang ikalawang sunod na kamalasan sa pagsagupa sa bumubulusok na Ginebra sa Miyerkules.

vuukle comment

ALONTE SPORTS CENTER

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

BEST IMPORT ROB DOZIER

BIG DOME

BRIAN BUTCH

CASIO

CHISM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with