^

PM Sports

Para sa anibersaryo ng Philracom 3 Ruby races ilalarga

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipagdiriwang ng Philippine Racing Commission ang kanilang ika-40 taon ng pagkakatatag sa pamamagitan ng tatlong Philracom Ruby Anniversary races sa tatlong karerahan sa bansa.

Sinangkapan ng nagpapakarera ng P500,000.00 premyo ang bawat yugto para matiyak na palaban ang lahat ng kasali na siyang magpapasaya sa ba-yang-karerista.

May kabuuang 15 local at imported horses ang tatakbo at ang mananalo sa bawat leg ay mag-uuwi ng P300,000.00 gantimpala.

Ang nalalabing P200,000.00 ay paghahatian ng papangalawa, pangatlo at pang-apat sa datingan.

Sisimulan ang Ruby Anniversary races sa Marso 18 sa Santa Ana Park at ang mga nagpatala ay ang mga local horses na Amberdini, Sulong Pinoy, Borj Khalifa kontra  sa imported runners na Global Warrior, Princess Rock at Caramel.

Sa MetroTurf Club sa Malvar, Batangas gagawin ang pangalawang yugto sa Marso 20, ang araw na kung saan pormal na ipagdiriwang ang anibersaryo ng Komisyon.

Ang mga nagpatala ay ang Fairy Star, Sweetchildofmine, Yes I Can, Cleave Ridge at Gonzee’s Song.

Sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite itatakbo ang ikatlo at hu-ling Ruby race sa Marso 23 at ang mga kasali ay ang Penrith, Silver Sword, Captain Ball at Royal Reign.

Paglalabanan ang mga karera sa Marso 18 at 20 sa distansyang 1,600-metro habang sa mas maigsing 1,500-metro ang karera sa Marso 23.

Lahat ng mga kalahok ay tiyak na ikinokondisyon nang husto ng kanilang handlers at kasasabikang tagisan pero ang mga inaasahang puwedeng umangat ay ang mga kabayong Caramel, Cleave Ridge at Royal Reign.

Ang Caramel ay pumangatlo sa first leg ng Imported/Local Challenge na dinomina ng Classy And Swift habang ang Royal Reign ay sariwa sa pagkapanalo sa isang 3YO race noong Linggo sa Santa Ana Park.

Tinalo ng Royal Reign ang Cleave Ridge kaya’t asahan na magsisikap ang huli na mapagharian ang karera sa San Lazaro. (AT)

 

vuukle comment

ANG CARAMEL

BORJ KHALIFA

CAPTAIN BALL

CLASSY AND SWIFT

CLEAVE RIDGE

FAIRY STAR

MARSO

ROYAL REIGN

SANTA ANA PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with