^

PM Sports

Tensile Strength nakabawi

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinawi ng Tensile Strength ang pagkatalo sa unang leg nang dominahin ang ikalawang yugto ngl 2014 Philracom Imported/Local Challenge Race kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si Dominador Borbe Jr. ang hinete uli ng kabayo na ipinakita na mas gamay niya ang mahabang distansya nang itala ang kumbinsidong panalo  laban sa mga de –kalibreng katunggali.

Naorasan ang tambalan na lahok ni dating Philippine Racing Commission  (Philracom) commissioner Felizardo 'Jun' Sevilla ang 1,750-metro karera sa 1:52.6 sa kuwartos na 10’, 23, 26, 25’ at 27’.

Malakas na panimula ang nakita sa nanalong kabayo matapos sabayan agad ang naunang Golden Empire ni Kevin Abobo.

Nakatutok din ang Spinning Ridge ni JPA Guce habang ang imported horse at first leg champion  na Classy And Swift ni Mark Alvarez ang nasa malayong ikaapat na puwesto.

Sa kalagitnaan ng karera ay nag-init na ang Tensile Strength at kinuha na ang bentahe, bagay na hindi niya isinuko hanggang sa natapos ang karera.

Ang labanan ay naiwan sa pangalawang puwesto at ang Goden Empire ay naubos at ang Spinning Ridge na pumangalawa na ay nalusutan pa ng rumemateng Classy And Swift.

Halagang P300,000.00 ang premyo na nakuha ng Tensile Strength mula sa P500,000.00 na pinaglabanan sa karera upang mapangatawanan sa pagkakataong ito ang pagi-ging liyamado sa pitong naglaban.

Binawian din ni Borbe si Alvarez na pumangalawa tungo sa P112,500.00 gantimpala habang ang 2013 double leg winner ng Triple Crown na Spinning Ridge at Pinespun ni EG Reyes Jr. ang pumangatlo at pumang-apat para sa P62,500.00 at P25,000.00 premyo.

Ang Sliotar ang pu-manglima bago tumawid ang Captain Ball at ang Golden Empire na puma-ngalawa sa PCSO Freedom Cup noong nakaraang linggo ang nangulelat.

Bagama't patok sa labanan, ang win ay uma-bot pa sa P9.50 habang ang forecast ay nasa P16.00.

 

vuukle comment

ANG SLIOTAR

CAPTAIN BALL

CLASSY AND SWIFT

FREEDOM CUP

GODEN EMPIRE

GOLDEN EMPIRE

KEVIN ABOBO

LOCAL CHALLENGE RACE

SPINNING RIDGE

TENSILE STRENGTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with