^

PM Sports

Tagumpay ang Satin Lace

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inangkin ng Satin Lace ang pangunguna sa 2014 Philracom sponso­red Charity Special Race 2nd Horse Racing Cup no­ong Biyernes ng gabi sa bakuran ng MetroTurf sa Malvar, Batangas.

Si EP Nahilat ang du­miskarte sa Satin Lace na naibulsa rin ang P180,000.00 premyo na ibi­nigay ng Philippine Ra­cing Commission sa na­nalo sa 1,200-metro dis­tansyang karera na ang ki­nita ng karera ay ibibigay sa Manila Police District Press Corps.

Dominado ng nanalong tambalan ang kabu­uan ng karera at kahit si­nikap ng Mahiwaga, Birthday Gift at Freaky na bigyan ng magandang la­ban ang Satin Lace  sa rekta ay buo pa ang ka­bayo para kumawala sa huling 100-metro ng ka­rera.

Ang Mahiwaga na da­la ni Mark Alvarez ang pu­mangalawa sa datingan bago tumawid ang Birthday Gift ni JB Cordova, Freaky ni RC Tanagon at nabugaw sa limang kalahok ang Boundary ni JL Pa­ano.

Paborito ang Satin  Lace para magpamahagi ng P5.50 sa win, habang ang 5-1 forecast ay may­ro­ong P17.00 dibidendo.

Nakasama sa kuminang sa huling gabi ng pis­ta sa ikatlong race track sa bansa ang pagka­panalo ng dehadong Perry’s Prize sa race six.

Kondisyon ang kaba­yong hawak ni LT Cuadra da­hil banderang-tapos ang panalong kinuha ng tambalan sa Handicap Race 8 na ginawa sa 1,200-metro distansya.

Rumemate ang It’s June Again ni KB Abobo pe­­ro hindi na umabot at na­talo sa Perry’s Prize ng kalahating katawan.

Pinakadehadong na­nalo sa gabi ang Perry’s Prize matapos maghatid ng P161.50 sa win at P431.00 sa 2-6 forecast.

 

vuukle comment

ANG MAHIWAGA

BIRTHDAY GIFT

CHARITY SPECIAL RACE

HANDICAP RACE

HORSE RACING CUP

JUNE AGAIN

MANILA POLICE DISTRICT PRESS CORPS

SATIN LACE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with