^

PM Sports

Mud Slide Slim nakatikim ng panalo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinungkit ng Mud Slide Slim ang unang panalo habang kuminang din ang Adamas na nangyari sa pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Miyerkules.

Si Val Dilema uli ang dumiskarte sa kabayo sa kanyang kauna-unahang opisyal na takbo at hindi nasira ang pagtitiwala ng mga mananaya sa husay ng kabayo nang hugandong nanalo sa 3YO and Above Maiden division sa 1,400-metrong karera.

Nakontento muna ang tambalan sa pangatlong puwetso sa 14 na kaba-yong naglabanan at hina-yaan ang Beat Them All at second choice na Bull Session na magdikta ng pace.

Sa far turn ay pinag-init na ni Dilema ang sakay sa paggamit ng latigo at sa rekta ay na-ngunguna na.

Ilang tulak pa sa kabayo ay bumulusok na ito para manalo ng halos pitong dipa sa rumemateng Sweetchild-ofmine ni JPA Guce.

Dahil dikitan ang benta, nagpasok ng P10.50 ang win habang ang 14-10 forecast ay mayroong P34.50 dibidendo.

Binigyan ni JB Bacaycay ng magandang pani-mula ang kabayong Ada-mas matapos kuminang sa special handicap race na inilagay sa 1,400-metro distansya.

Malayong third  choice sa karera, hindi napigil ang malakas na pagdating ng apat na taong colt na pag-aari ni Leonardo “Sandy” Javier Jr. at inabutan sa meta ang bumabanderang Flying Honor ni Val Dilema.

Kumabig ang mga nanalig sa Adamas ng P65.00 habang ang 3-6 forecast ay mayroong P62.50 dibidendo.

vuukle comment

ABOVE MAIDEN

ADA

BEAT THEM ALL

BULL SESSION

FLYING HONOR

JAVIER JR.

MUD SLIDE SLIM

SAN LAZARO LEISURE PARK

SI VAL DILEMA

VAL DILEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with