^

PM Sports

Kuminang ang My Hermes

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinorpresa ng kaba­yong My Hermes ang mga nakatunggali sa han­dicap race four nang ma­nalo noong Biyernes ng ga­bi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si RR Camañero ang dumiskarte uli sa kabayo sa ikalawang dikit na tak­bo at nagbunga sa pagka­ka­taong ito ang pagrenda ma­tapos manalo sa 1,200-metro distansyang ka­rera.

Hiniya ng tambalang nalagay sa pang-apat na puwesto noong Disyembre 21 ang napaboran sa limang naglaban na Final Judgement sa pagdiskarte ni JB Guce.

Ito ang ikalawang panalo ng My Hermes sa bu­wan ng Disyembre at na­kapaghatid pa ang win ng P42.00, habang ang 4-5 dehadong forecast ay nag­pasok ng P70.50 sa ba­wat limang pisong taya.

Ang pinakadehadong nanalo sa pista na pag-a­ari ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI) ay ang Ideal View na hinawakan ni JL Paano.

Sa handicap race 1 su­mali ang Ideal View at hindi naubos ang nasa­bing kabayo sa 1,200m ka­­rera para manaig sa ha­mon ng Salvatore sa pagdadala ni Guce.

Ang napaborang Hot Gossip na hawak ni JB Cordova ay nalagay lamang sa ikatlong puwesto sa datingan.

Ang mga naniwala sa galing ng Ideal View ay nagkamit ng P68.00 sa win, habang nasa P242.50 ang ipinamahagi sa 9-5 forecast.

 

vuukle comment

DISYEMBRE

FINAL JUDGEMENT

GUCE

HOT GOSSIP

IDEAL VIEW

MY HERMES

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SANTA ANA PARK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with