^

PM Sports

Hog’s Breath, Big Chill ‘di natinag

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkaibang landas man ang tinahak ng Hog’s Breath Café at Big Chill ay nauwi pa rin sila sa panalo at manatiling nasa itaas ng standings sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Blue Eagle Gym.

Isinantabi ng Razorbacks ang mahinang panimula nang mag-pick-up ang opensa sa sumunod na tatlong quarters para sa 86-72 panalo sa Derulo Accelero habang ang Superchargers ay nagpakatatag sa huling dalawang minuto at pigilan ang upset na dala ng Arellano-Air21 Express, 70-63.

Ito ang ika-pitong sunod na panalo ng tropa ni coach Caloy Garcia at si Philip Paniamogan ay mayroong 24 puntos, kasama ang limang tres at si Kevin Racal ay mayoon pang 20 marka.

Si Paul Sanga ay mayroon pang 10 puntos at siya ay nakipagtulungan kay Paniamogan upang ang 9-6 iskor sa unang yugto ay naging 21-9 para simulan ang paglayo ng Razorbacks.

“Nagkaroon kami ng adjustments sa starters namin pero ang maganda sa mga players ko ay focus sila lagi sa depensa,” wika ni Garcia.

Sinandalan naman ng Superchargers ang pagtutulungan nina Reil Cervantes, Janus Lozada at Brian Heruela matapos hawakan ng Chief ang 59-58 kalamangan upang manatili sa ikalawang puwesto sa 7-1 karta.

Si Cervantes ang nanguna sa koponan sa kanyang 20 puntos habang si Lozada ay nagdagdag ng 18, kasama ang limang tres.

Kinapos ng isang rebound si Heruela para sa triple-double matapos ang 13 puntos, 10 assists at siyam na boards habang si Jeckster Apinan ay may 10 puntos at 11 boards.

“I think we did a good job closing out this game. But we have to play much better in our next game,” wika ni Big Chill coach Robert Sison na ang tinutukoy ay ang  pagsukat sa Cagayan Valley bukas.

 

Big Chill 70—Cervantes 20, Lozada 18, Heruela 13, Apinan 10, Brondial 6, Maiquez 3, Baloria 0, Mirza 0, Canlas 0, Villahermosa 0, Santos 0.

Arellano-Air21 63—Webb 15, Serjue 10, Jalalon 7, Acidre 7, Fran 6, Bangga 6, Tayongtong 5, Palma 4, Arquero 3, Bartolo 0, Ciriacruz 0.

Quarterscores: 20-11, 29-27, 50-49, 70-63.

Hog’s Breath Café 86 – Paniamogan 24, Racal 20, Sanga 10, Ruaya 9, Robles 7, Balerio 4, Terso 4, Gabawatan 3, Macasaet 3, Rios 2, Bartolo 0.

Derulo Accelero 72 – Soyud 24, Corpuz 18, Bautista 10, Dilay 6, Roncal 5, Jeffries 5, Importante 3, Manuel 1, Wierzba 0, Bonifacio 0, Wong 0, Gingerich 0.

Quarterscores: 9-6; 34-22; 60-40; 86-72.

vuukle comment

ARELLANO

BARTOLO

BIG CHILL

BLUE EAGLE GYM

BREATH CAF

BRIAN HERUELA

CAGAYAN VALLEY

DERULO ACCELERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with