^

PM Sports

Boracay Rum bumangon

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinapos ng Boracay Rum ang tatlong dikit na pagkatalo nang kunin ang 71-63 panalo sa Arellano University habang mas matikas ang Wang’s Basketball sa Derulo Accelero, 81-71 sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Chris Banchero ay mayroong 20 puntos na kinatampukan ng 10-of-12 shooting sa free throw  line habang sina Stephen Siruma at Roider Cabrera ay naghatid ng tig-11 puntos para punuan ang pagkawala ni Mark Belo na nakasama ng men’s basketball team na maglalaro sa SEA Games sa Myanmar.

Sinikap na makipagsabayan ng Chiefs at nakadikit pa sila sa 49-48 ngunit nagpakawala ng 12-2 bomba ang  Waves para iwan na ang kalaban.

Ito lamang ang ikatlong panalo sa walong laro ng tropa ni coach Lawrence Chongson na nananalig na simula na ito ng pagbangon ng koponan.

“Natapat agad kami sa malalakas. Kasama pa ang kawalan ng magandang samahan ng mga locals at si Chris. Hopefully, maayos agad ito during the holiday break,” wika ni Chongson.

Bumaba ang Chief sa 1-6 baraha at pang-apat na sunod na pagkatalo at sila ay pinangunahan ni Jack Arquero sa kanyang 14 puntos.

Nakitaan naman ng mas magandang laro ang Couriers para kunin ang ikatlong panalo sa pitong laro.

Si Michael Juico ay mayroong 25 puntos bukod pa sa limang assists at tatlong steals para sa Wang’s na nakabangon mula sa 75-59 pagkakadurog sa Jumbo Plastic sa huling laro.

Ika-pitong pagkatalo ang tinanggap ng Oilers at hindi nila nasundan ang 82-75 panalo sa Chiefs sa huling laban.

vuukle comment

ARELLANO UNIVERSITY

BORACAY RUM

D-LEAGUE ASPIRANTS

DERULO ACCELERO

JACK ARQUERO

JUMBO PLASTIC

LAWRENCE CHONGSON

MARK BELO

PASIG CITY

ROIDER CABRERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with