^

PM Sports

Mainit pa rin ang Cagayan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang mainit na paglalaro ng Cagayan Valley nang ilampaso ang Arellano University, 92-75, at solohin uli ang liderato sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Ang dating manlalaro ng Arellano na si John Pinto ay gumawa ng 23 puntos habang gumana rin ang kamay nina Don Trollano, Adrian Celeda at John Foronda para sa ikatlong sunod na panalo ng Rising Suns.

“Nag-click ang depensa sa third period habang andoon ang opensa,” wika ni Cagayan assistant coach Toto Dojillo na kumatawan  kay coach Alvin Pua.

May 8-of-12 shooting si Pinto habang sina Trollano, Celada at Forondo ay may 17, 14 at 12 puntos.

Ang depensa ng koponan sa ikatlong yugto ang nagpalambot sa opensa ng Chiefs upang magkaroon sila ng 74-60 kalamangan papasok sa huling yugto.

Si Moncrief Rogado ay may 17 puntos para sa Arellano na nalaglag sa ikalawang sunod na pagkatalo.

Bumangon naman ang Cebuana Lhuillier sa pagkatalo sa unang asignatura sa 88-60 paggapi sa Derulo Accelero sa ikalawang laro.

Si Ralph Olivarez ay nagbuhos ng 11 sa 13 puntos sa laro sa ikalawang period para bigyan ang koponan  ng 41-31 bentahe.

Tatlong tres ang kanyang binitiwan sa yugto para tabunan ng Gems ang 22-24 iskor para sa Oilers.

Sina James Martinez at Paul Zamar ay mayroong 15 at 14 puntos para sa Gems na iniwan ang Oilers ng 18 puntos sa pagtatapos ng ikatlong yugto, 62-44, para ma-kabawi sa 67-70 pagka-talo sa Cafe France.

Cagayan Valley 92 – Pinto 23, Trollano 17, Celeda 14, Foronda 12, Ighalo 9, Ma-bulac 7, Bringas 3, Saycon 2, Caperal 2, Melano 2, Jamito 1.

 Arellano U-Air21 75 – Rogado 17, Bangga 15, Jalalon 10, Cortes 9, Ciriacruz 9, Hernandez 5, Acidre 4, Agovida 3, Lapuz 2, Fran 1.

 Quarterscores:24-17; 49-42; 74-60; 92-75

Cebuana Lhuillier 88 – Martinez 15, Zamar 14, Olivares 13, Banal 11, Aguilar 8, Javier 7, Dizon 6, Alas 5, Leynes 5, Casajeros 2, Flores 2,  Noble 2.

Derulo Accelero 60 – Soyud 15, Manuel 10, Juruena 7, Wong 6, Jeffries 6, Corpuz 4, Morillo 4, Importante 3, Bautista 3, Dilay 2, Wierzba 0.

 Quarterscores: 19-18; 41-31; 62-44; 88-60.

vuukle comment

ADRIAN CELEDA

ALVIN PUA

ARELLANO

ARELLANO U

ARELLANO UNIVERSITY

CAFE FRANCE

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

DERULO ACCELERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with