^

PM Sports

Maganda pa rin ang diskarte ni Raquel

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang magandang diskarte ni Fernando Raquel Jr. nang manalo pa ang Tigerous Sword noong Martes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Isang 3-YO Special Handicap race ang karera sa distansyang 1,300-metro at hindi napaboran ang tambalan dahil sa paglahok ng Appointment, Torn Bet Twolovers at Queen Ramfire na siyang napusuan ng bayang karerista.

Pero mas kondisyon ang Tige­rous Sword upang makapanorpresa at makapaghatid ng saya sa mga deha­dista na tumungo sa pistang pag-aari ng Manila Jockey Club.

Nasa labas ang kabayo ni Raquel para tuhugin na ang liderato sa huling 100-metro habang ang Torn Bet Twolovers ang siyang nakakuha pa sa ikalawang puwesto.

Ang Appointment na hawak ni Jonathan Hernandez ay nahuli ng pagremate para malagay sa ikatlong puwesto bago tumawid ang naubos na Queen Ramfire.

Maganda pa ang dibidendo sa di inaasahang pagkapanalo ng Tigerous Sword dahil nasa P92.00 ang ibinigay sa win habang ang 6-3 forecast ay naghatid ng P76.50 dibidendo. (AT)

vuukle comment

ANG APPOINTMENT

FERNANDO RAQUEL JR.

JONATHAN HERNANDEZ

MANILA JOCKEY CLUB

QUEEN RAMFIRE

SAN LAZARO LEISURE PARK

SPECIAL HANDICAP

TIGEROUS SWORD

TORN BET TWOLOVERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with