^

PM Sports

Kukurukuku Paloma paboritong manalo

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling ipapamalas ng mga kabayong  Kukuru­ku­ku Paloma at Young Turk ang kanilang husay sa paglarga ngayong ha­pon ng 2013 Philracom 3rd Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes sa San La­zaro Leisure Park sa Car­mona, Cavite.

Anim ang kasali sa fil­lies, habang pito ang sa colts at sa magkatulad na 1,400-metro distansya ga­­gawin ang dalawang ka­­­rera na sinahugan pa ng tig-P1 milyon piso prem­yo mula sa Philippine Racing Commission (Phil­racom).

Sasakyan pa rin ni Val Dilema, ang Kukurukuku Pa­loma ay ipinapalagay bi­lang isa sa matinik na two-year old horse matapos talunin ang Young Turk at Matang Tubig sa isang 2YO Special Handicap race sa nasabing race track kamakailan.

Ang mga magtatangkang pumigil sa hanap na panalo ng kabayo ay ang Move On (FM Raquel Jr.), Priceless Joy (JB Hernandez), Pure Enjoyment (JA Guce), Up And Away (MA Alvarez) at Roman Charm (RG Fernandez).

Nakaungos ang Ma­tang Tubig sa Young Turk nang tumapos ang una sa pangalawang puwesto sa karerang dinomina ng Ku­kurukuku Paloma.

Ang mga kasali ay ang Lucky Man (RG Fernandez), Ku­lit Bulilit (FM Raquel Jr.), Mr. Bond (JB Guce), Ri­ver Mist (JT Zarate) at Proud Papa (JB Cordero).

vuukle comment

FERNANDEZ

GUCE

KU

KUKURUKUKU PA

LEG JUVENILE FILLIES AND COLTS STAKES

LEISURE PARK

RAQUEL JR.

SHY

YOUNG TURK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with