^

PM Sports

Gabica pasok sa finals ng Qatar World 9-Ball

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinalos ni Filipino Antonio Gabica si Karl Boyes ng United Kingdom, 11-6, habang namayani si German Thorsten Hohmann laban kay Carlo Biado ng Pilipinas, 11-4 sa semifinals ng 2013 World 9-Ball Championship na pinaglalabanan sa Al Arabi Sports Club sa Doha, Qatar kahapon.

Bumangon ang 2006 Doha Asian Games gold meda-list mula sa 4-6 iskor nang ipanalo ang sumunod na pitong racks upang katampukan ang magandang panalo.

Ito ang unang pagkakataon ni Gabica na umabante sa finals na isang race-to-13, alternate break ngunit tiyak na mataas ang kanyang kumpiyansa dahil nasa likod niya ang mga manonood.

Bukod sa mga Filipino overseas workers na sumusuporta sa kanya, ang mga Qatari ay tiyak na susuporta rin sa kanya dahil siya ngayon ang assistant coach ng national pool team ng nasabing bansa.

Magtatangka si Hohmann na manalo uli ng titulo na huling nangyari noon pang 2003.

Bukod kay Biado ay pinagpahinga ni Hohmann sina Dennis Orcollo, (11-8) at Jeff de Luna (11-7) sa round-of-16 at quarterfinals.

Isama pa sa sinibak ni Hohmann ang dating kampeon na si Darren Appleton ng Britain, 11-5, upang maipamalas ang pagiging handa na makapagdomina sa prestihiyosong torneo sa 9-ball.

Ang magwawagi ay magbibitbit ng $36,000.00 gantimpala habang $18,000.00 ang mapupunta sa papangalawa.

Sina Biado at Boyes ay may tig-$10,000.00 prem-yo sa naabot sa kompetisyon.

 

vuukle comment

AL ARABI SPORTS CLUB

BALL CHAMPIONSHIP

BUKOD

CARLO BIADO

DARREN APPLETON

DENNIS ORCOLLO

DOHA ASIAN GAMES

FILIPINO ANTONIO GABICA

GERMAN THORSTEN HOHMANN

HOHMANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with