^

PM Sports

Empire Princess humagibis sa NPJAI-PCSO Cup Race

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinanalo ni jockey Jordan Cordova ang Empire Prin­cess sa pinaglabanang 4th NPJAI-PCSO Cup Race na inilagay din sa 1,300 metrong distansya.

Outstanding din ang nasabing kabayo dahil katulad ng Unequalled ay galing rin sa panalo ang Empire Princess noong Abril 28 sa pagdadala pa ni Ed Vil­la­hermo­sa.

Pangalawa agad ang Empire Princess sa Perfectly Char­ming na sakay ni Jeff Zarate pero nagbago ang puwestuhan ng dalawang kabayo sa huling 500 metro nang makaalagwa na ang paboritong kabayo.

Balikatan ang dalawa pero may pangalawang bu­hos pa ang Empire Princess at manalo ng dalawang ka­bayong agwat.

Kinuha ng nanalo ang pinaglabanang distansya sa 1:23.4 mula sa kuwartos na 7, 24, 25, 27’ para angkinin din ang P150,000.00 unang gantimpala.

Pinakaliyamadong kabayo na nagtagumpay sa araw na ito ang Empire Princess sa ibinigay na P5.00 di­bidendo sa win, habang nasa P32.50 ang dibidendo sa 4-7 forecast.

May P56,250.00 gantimpala ang Perfectly Char­ming, habang ang My Sweet Leonora at Saga ang ku­mumpleto sa datingan at iuwi ang P31,250.00 at P12,500.00.

Huling kabayo na nanalo sa mga Cup races ay ang Mr. Jason na dala ni Fernando Raquel Jr. at nangiba­baw sa hamon ng Sabuhin na hawak ni JB Cordero.

Halagang P150,000.00 din ang naibigay ng panalo sa winning connections ng kabayo na tinapos ang ka­walan ng panalo sa buwan ng Abril.

Nasa P7.50 ang ibinigay sa win, habang ang 7-9 forecast ay mayroong P39.00 dibidendo.

 

vuukle comment

ABRIL

CUP RACE

ED VIL

EMPIRE PRIN

EMPIRE PRINCESS

FERNANDO RAQUEL JR.

JEFF ZARATE

PERFECTLY CHAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with