^

PM Sports

Bumandera ang Don Joaquin

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumandera sa hu­ling 10-metro ang Don Joa­quin upang manalo sa apat na kabayong nag-uunahan sa meta noong Sa­bado sa San Lazaro Lei­sure Park sa Carmona, Ca­vite.

Naipasok ni jockey JPA Guce sa balya ang Don Joaquin matapos ma­antala dahil nasa unahan ang Yes Mayor at Zehn Yap at dahil maluwag na ang daanan ay nakaharurot at maunang tumawid sa meta.

Paborito ang Don Joaquin sa karera at unang lumusot ang ulo ng kabayo sa pumangalawang at dehado pang Yes Mayor ni LT Cuardra Jr. bago dikit na tumawid ang second choice Zehn Yap at Tigerous Sword.

Isang handicap race (2) ang karera na pinaglabanan sa 1,400 metrong dis­tansya at ang winning time ng Don Joaquin ay nasa 1:34.6 sa kuwartos na 12’, 25’, 26’, 30 ku­war­tos.

Ikalawang sunod na pa­nalo rin ito ng tambalan at pinangatawanan ang pa­giging paborito sa 13 ka­bayo na naglaban para ma­kapaghatid ng P8.00 di­bidendo.

Dehado ang Yes Ma­yor kaya’t umabot sa P116.50 ang dibidendo sa 4-12 forecast.

Ibayong bilis din ang na­kita sa kabayong Con­quis­ta Roll para manalo sa class division 6 na pi­naglabanan sa 1,400m.

Nalagay sa ikaapat na puwesto ang kabayong.

Nakapaghatid ang Su­­long Pinoy ng P6.50, ha­bang P132.50 ang ibinigay sa 5-11 forecast.

vuukle comment

CUARDRA JR.

DON JOA

DON JOAQUIN

SAN LAZARO LEI

SHY

TIGEROUS SWORD

YES MA

YES MAYOR

ZEHN YAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with