^

PM Sports

Accel-Pba Press Corps player of the week

FM - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkatapos magtala ng conference-high na 37 puntos kabilang na ang isang season-high na siyam na triples sa 95-91 na overtime win ng Air21 kontra sa Petron Blaze noong Sabado na nagbigay sa Express ng quarterfinals berth at playoff appearance sa pa-ngalawang sunod na conference, hindi na nakakapagtaka na si KG Canaleta ang nahirang na Accel Player of the Week ng PBA Press Corps para sa linggong April 8-14.

 Bukod sa pagtatala ng pinakamataas na iskor sa isang laro ng isang local sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup, malaking impact din ang ginawa ni Canaleta sa naging panalo ng Express.

 Bukod pa sa pagtatala ng season-high para sa pinakamaraming triples sa isang laro, pinarisan din ni Canaleta ang all-time franchise record ng Air21 para rito na tatlong beses ginawa ni Renren Ritualo, ang pinakahuli ay noong Jan. 27, 2006 sa 2005-06 Fiesta Conference sa 101-87 panalo ng Express sa Game 3 ng best-of-7 semifinals laban sa Purefoods.

 Ang ginawa na iyon ni Ritualo tungo sa kanyang career-high 40 points ang huling beses sa katunayan na may naka-siyam na triples sa isang laro ang isang local player bago tinapatan ni Canaleta at pinakahuli overall mula nang naka-siyam din sa 2011 Governors Cup si Talk ‘N Text import Scottie Reynolds laban sa B-Meg din at sa semis din.

vuukle comment

ACCEL PLAYER OF THE WEEK

BUKOD

CANALETA

FIESTA CONFERENCE

GOVERNORS CUP

N TEXT

PETRON BLAZE

PRESS CORPS

RENREN RITUALO

SCOTTIE REYNOLDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with