^

PM Sports

Romeo lalaro na uli sa Big Chill

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magbabalik sa Big Chill si Terrence Romeo para magkaroon ng dagdag puwersa ang koponan sa pagharap sa inspiradong Boracay Rum sa pagpapatuloy ngayon ng PBA D-League Foundation Cup sa The Arena sa San Juan City.

Si Romeo ay lumiban sa naunang dalawang laro ng Superchargers matapos mapabalitang kinukuha ng Fruitas na binubuo ng mga FEU players kung saan ang pointguard ay naglalaro sa UAAP.

Krusyal ang pagdating ni Romeo dahil ang tropa ni coach Robert Sison ay kumbinsidong nanalo sa NLEX Road Warriors sa kanilang unang laro, 86-77 bago nalaglag sa baguhang Hog’s Breath, 63-69, sa ikalawang asignatura.

Ikatlong sunod na panalo ang target ng Waves at alam ni coach Laurence Chongson na ito ang u-nang mabigat na laban na kanilang haharapin at susukat sa kanilang tunay na lakas.

 Apat na iba pang koponan ang sasalang sa laban at mauuna ang bakbakan ng Cagayan Valley at Informatics sa ganap na ika-12 ng tanghali habang ang Café France at Jumbo Plastic ang huling magtutuos dakong alas-4.

 

vuukle comment

BIG CHILL

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

JUMBO PLASTIC

LAURENCE CHONGSON

ROAD WARRIORS

ROBERT SISON

SAN JUAN CITY

SI ROMEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with