^

PM Sports

Boss Jaden, Eurasian palaban sa Triple Crown

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawa pang kabayo na posibleng maging pa­la­ban para sa 2013 Philracom Triple Crown Championship ang masisilayan sa aksyon ngayong hapon sa Santa Ana Park sa Na­ic, Cavite.

Ang Boss Jaden at Eu­rasian na hinirang bilang pinakamahusay na 2-Year Old colts at filly noong na­karaang taon, ang mag­susukatan sa pitong ka­bayong karera sa 3YO Class Division 5-4.

Unang karera ito sa programa at ang iba pang ka­sali ay ang Nurture Na­ture, Leonor, Bossing Ethan, Golden Rule at Ho­nour Class na magba­balikatan sa maigsing distansya na 1,100 meters.

Unang opisyal na tak­bo ito ng Eurasian, ha­ha­wakan pa rin ni Jeff Za­­rate na binigyan ng 55 ki­los handicap weight.

Sa kabilang banda, ang Boss Jaden ang magtataglay ng pinakamabigat na handicap weight sa mga tatakbo na inilagay sa 56 kilos.

Ikalawang takbo ito sa taon ng kabayong gagabayan ni JB Bacaycay at nais ng tambalan na makakubra ng unang panalo bilang isang tatlong taong kabayo.

Lumahok ang Boss Jaden sa Philracom Ma­yor Nemesio Yabut II no­ong Enero 6 at tumapos la­mang ang kabayo sa pang-apat na puwesto sa ka­rerang dinomina ng Be Humble.

vuukle comment

ANG BOSS JADEN

BE HUMBLE

BOSS JADEN

BOSSING ETHAN

CLASS DIVISION

GOLDEN RULE

JEFF ZA

NEMESIO YABUT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with