^

PM Sports

Ang pagbabalik ng Rain Or Shine

FM - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumalik ang outside shooting ng Rain or Shine kung kaya’t madali silang nakabawi sa tono ng 103-93  pananalasa sa Barako Bull kagabi sa PBA Commissioner’s Cup  na dumako sa Cuneta Astrodome.

Nag-improve sa 6-3 karta  ang Elasto Painters na galing sa  dalawang sunod na talo   kung saan nag-average lamang sila ng 77.5 puntos kontra sa Talk ‘N Text at Petron Blaze.

Pero sa pangunguna ng 27 puntos at 11 rebounds ni import Bruno Sundov na dinagdagan pa ng 20 off- the-bench ni Paul Lee ay pinarisan ng Rain or Shine ang kanilang pinakamataas na iskor sa isang laro sa conference na ito nang kanilang talunin ang Globalport, 103-95 noong March 8.

Natalo naman sa ikalimang sunod na pagkakataon ang Barako Bull at lalong bumaba sa team standings sa kanilang 3-6 record.

Sa pangunguna ng siyam na puntos ni JC Intal ay lumamang ng umabot sa 16-10 sa first quarter ang Barako Bull. Pero tinapos ng Rain or Shine ang unang yugto na iyon sa tono ng 9-2 run sa pagbibida ni Gabe Norwood para agawin ang kalamangan sa 19-18.

Sa second quarter ay nakisama na rin sa scoring si Jeff Chan at Paul Lee kung kaya’t lumamang ng 15 puntos ng dalawang beses ang Elasto Painters, 40-25 at 42-27.

Samantala, minultahan ni PBA Commissioner Chito Salud ang napalitan nang import ng Globalport na si Walter Sharpe ng P40,000 dahil sa hindi magandang inasal nito sanhi ng kanyang kalasingan.

Ito’y matapos lumabas sa social media ang isang litrato ni Sharpe na nakatulog sa isang bangketa sa harap ng mga bars sa Pasig area pagkatapos ng magdamag na inuman na balitang kasama ng ilan niyang teammates.

Bagamat na-desisyunan na ng Batang Pier na papalit na si Sylvester Morgan at pauuwiin na si Sharpe, kailangan pa ring bayaran ni Sharpe ang kanyang multa bago siya makakuha ng clearance mula sa PBA.

RAIN OR SHINE 103 - Sundov 27, Lee 20, Quiñahan 11, Chan 10, Norwood 8, Rodriguez 6, Tiu 5, Belga 5, Cruz 4, Ibañes 4, Matias 2, Tang 1, Arana 0.

 Barako 93 - Brock 23, Seigle 20, Intal 17, Maliksi 12, Pennisi 10, Urbiztondo 3, Macapagal 3, Kramer 2, Allado 2, Villanueva 1,  Anthony 0, Cruz 0.

 Quarterscores: 19-18, 46-39, 70-66, 103-93.

 

vuukle comment

BARAKO BULL

BATANG PIER

BRUNO SUNDOV

COMMISSIONER CHITO SALUD

CRUZ

CUNETA ASTRODOME

ELASTO PAINTERS

PAUL LEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with