JRU naka-three peat sa NCAA
MANILA, Philippines - Winalis ng Jose Rizal ang lahat ng field events sa athletics para hirangin bilang ‘three-peat’ champion sa 88th NCAA track and field competition sa Philsports oval sa Pasig City.
Sumandal ang Heavy Bombers sa mga panalo ni John Mantua at ang mag-utol na Mark Harry at Melbert Diones.
Humakot ang tatlo ng limang gold medals na nagÂbiÂgay sa Kalentong-based athletes ng titulo sa ikatlong sunod na NCAA season.
Nagposte ang Jose Rizal ng 854.5 points para taÂlunin ang Perpetual Help na tumapos na may 786 points.
Naghagis ang 19-anyos na si Mantua ng 40.61-meters sa discus throw kasunod ang pagtapon ng 13.56m sa shot put para sa kanyang dalawang ginto.
Dalawang ginto din ang sinikwat ni Mark Harry mula sa kanyang pagdomina sa discus throw (40.61m) at high jump (1.95m), habang namayani naman si Melbert sa long jump (14.52m).
- Latest

















