^

PM Sports

Quisumbing nanawagan ng pagkakaisa

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pagkakaisa ng lahat ng stakeholders ang hiling ni Norberto Quisumbing Jr. upang yumabong ang  horse racing sa bansa.

Si Quisumbing ang nasa likod sa pagkakatayo ng Metro Turf Club Inc. na ikatlong race track sa bansa na matatagpuan sa Malvar, Batangas.

Nitong nagdaang linggo ay opisyal na binuksan ang pasilidad at masaya naman ang may-ari sa kinalabasan kahit naudlot ang sana’y anim na araw na pakarera.

Nakansela ang karera noong Miyerkules dahil sa kakulangan ng deklaradong mga kabayo para makabuo ng programa.

Tanggap ni Quisumbing ang desis-yong ito ng Philippine Racing Commission (Philracom) pero sa kanyang pakiramdam, ay dapat binigyan ng kaunting laya ang batas hinggil dito lalo pa’t nagpapakilala pa lamang ang Metro Turf.

“Malaki ang industriya ng horse racing at hindi dapat ituring na magkakompetensya ang tatlong racing tracks at pinaglalaban-laban hanggang sa mamatay ang isa. Dapat ay magsama-sama dahil iisa lamang ang hangarin ng lahat, ang mapaganda ang takbo ng horse racing sa bansa,” wika ni Quisumbing.

Kasabay ng pagdaraos ng karera ay ang pakikipagpulong sa ibang sektor ng horse racing ni Quisumbing upang malaman kung paano mapapaganda ang kanilang relasyon.

Sa ngayon ay katuwang ng Metro Turf ang Manila  Jockey Club Inc. na pumayag na ipagamit ang kanilang betting facilities para madagdagan ang lugar na puwedeng tumaya ang karerista habang idinadaos ang aksyon sa Batangas.

Umaasa si Quisumbing na matatapik nila at makakasama ang Philippine Racing Club Inc. na siyang nagpapatakbo sa Santa Ana Park.

“Kung tig-300 ang aming mga makina at magkakasama-sama kami, di ang laki ng puwedeng sakupin at tiyak na mas maraming pera ang papasok,” sabi pa ng negosyante mula sa Cebu.

May mga plano siya para mapaganda ang relasyon ng mga nasa horse racing pero sa tamang panahon niya balak ito isiwalat.

Ang MMTCI ay nakatayo sa 48 hectares na lupain at  napapalibutan ito ng tatlong bundok na Mt. Makiling, Mt. Malarayat at Mt. Banahaw.

vuukle comment

BATANGAS

JOCKEY CLUB INC

METRO TURF

METRO TURF CLUB INC

MT. BANAHAW

MT. MAKILING

MT. MALARAYAT

NORBERTO QUISUMBING JR.

QUISUMBING

RACING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with