^

PM Sports

Big Chill pasok sa q’finals

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maagang kumawala ang Big Chill sa Café France tungo sa 76-71 panalo at maipasok ang koponan sa quarterfinals sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Tig-14 puntos ang ginawa nina Mar Villahermosa at Ryan Buenafe para sa Super Chargers na lumayo ng 19 puntos sa halftime, 47-28.

Naidikit man ang laro ay kinapos na ang Bakers sa asam na makabalikwas para angkinin ng tropa ni coach Robert Sison ang 6-4 karta upang makasalo ang pahingang Cagayan Valley sa ikatlo at apat na puwesto.

Nakatiyak na sa puwesto sa quarterfinals, puwede pang makuha ng Big Chill ang  mahalagang twice-to-beat advantage kung mananalo ang Jose Rizal University sa Cebuana Lhuillier sa Huwebes.

Tinapos  naman ng Fruitas ang apat na sunod na pagpapanalo ng Boracay Rum nang kunin ang 73-61 panalo sa tampok na laro.

Nagising si Pong Escobal sa huling yugto nang ibagsak ang 20 sa kanyang nangungunang 22 puntos habang ang depensa ng Shakers ay nagbigay lang ng 10 puntos sa Waves upang wakasan ang  laro sa elims bitbit ang pantay na 5-5 baraha.

Ang Waves at Bakers na nalaglag sa 4-6 baraha ay namaalam na katulad ng Erase Xfoliant at Informatics.

 

vuukle comment

ANG WAVES

BIG CHILL

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

ERASE XFOLIANT

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MAR VILLAHERMOSA

PONG ESCOBAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with