^

PM Sports

Jackson binigyan si Buss ng diamond ring

Pang-masa

LOS ANGELES -- Kilala sa pag-angkin sa mga NBA rings, nagbigay naman ng isang singsing nga­yon si Phil Jackson.

Nakipag-engage ang retired coach na si Jackson, kumuha ng 11 NBA titles para sa Los Angeles Lakers at Chicago Bulls, sa kanyang longtime girlfriend at Lakers executive na si Jeanie Buss.

Nagposte si Buss ng kanilang larawan noong Huwebes ng gabi sa kanyang official Twitter account.

Ipinakita ni Buss ang diamond ring sa kanyang daliri sa kaliwang kamay.

Kasama sa tweet ang “Twitter family - Phil finally gave me that ring I wanted!”

Kasunod nito ay kinumpirma ni Buss sa ESPN.com ang pakikipagkasundo niya kay Jackson at si­nabing natanggap niya ang diamond ring noong Araw ng Pasko at siya ay “beyond happy.”

Nagsimula ang relasyon ng 67-na si Jackson at ng 51-na si Buss noong 1999.

Halos makabalik si Jackson sa Lakers noong Nob­yembre, ngunit mas pinili ng koponang maging ba­gong head coach si Mike D’Antoni.

vuukle comment

ANTONI

ARAW

CHICAGO BULLS

HUWEBES

IPINAKITA

JEANIE BUSS

LOS ANGELES LAKERS

MIKE D

PHIL JACKSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with